Dennis. 20y/o. you can call me dencio. happy-go-lucky. true friend.


Photo

May 16, 2012
@ 10:12 pm
Permalink
3,267 notes

(via illwords)


Photo

May 16, 2012
@ 10:12 pm
Permalink
1,906 notes

(via illwords)


Photo

May 16, 2012
@ 10:12 pm
Permalink
10,373 notes

(via illwords)


Photo

May 16, 2012
@ 10:10 pm
Permalink
1,836 notes

(via illwords)


Photo

May 16, 2012
@ 10:07 pm
Permalink
400 notes

(via illwords)


Photo

Mar 18, 2012
@ 6:34 am
Permalink
18,539 notes

(Source: surferdude182, via quote-book)


Photo

Feb 24, 2012
@ 4:51 am
Permalink
488 notes

:)

:)

(Source: photosetcxo)


Photo

Feb 24, 2012
@ 4:48 am
Permalink
720 notes

(Source: photosetcxo)


Photo

Feb 24, 2012
@ 4:47 am
Permalink
485 notes

(Source: photosetcxo)


Text

Feb 19, 2012
@ 7:46 am
Permalink

2.19.12


Hinde laging alak ang sagot kapag merong problema. Kung minsan, kailangan mo lamang ng taong makikinig sa mga problema mo at sasabihan sa iyo na magiging maayos din ‘yan. Kumuha ka lang ng isang pack ng yosi at manigarilyo para pantanggal stress habang pinag-uusapan ang problema. Hinde kailangan ng alak, makakagulo lang ito sa iyong pag-iisip. Basta kasama mo ang barkada mo at handa silang makinig sa iyo, okay na iyon. Kasi hinde naman natin alam kung ano ang pwedeng mangyari mamaya. Idaan na lang sa usapan hanggang tamaan ng pagod at antok.Ilabas mo lahat ng problema. Magwala ka sa loob ng kwarto kapag walang tao. Iiyak mo lang ang nararamdaman mo para naman gumaan ang dinadala mo. Itulog at umasang magiging maganda lahat pagkagising.

     Ang hirap kasing manligaw sa isang taong alam mong meron pang pag-asang makabalikan ang ex kasi gusto pa rin niya ito. Ang tanong lang naman na dapat mong sagutin ay kung handa mo bang i-try kahit alam mong napakalaki ng tsansang masasaktan ka lang sa bandang huli. Oo nga, mas maganda i-try mo para malaman mo kung ano talaga ang mangyayare, pero lahat naman siguro tayo ay takot masaktan - takot isugal ulit ang puso nila sa isang tao na pwedeng basagin ulit ito. At isa pang mahirap dito ay walang time kayong magsama dahil sa time difference niyo - morning-shift ka at graveyard-shift naman siya. Habang gising ka ay tulog naman siya. Ayos talaga ang buhay. Iba kasi kapag tinamaan ka e, ‘ung tipong hinde mo pa naman kilala ay alam mo sa sarili mo na gusto mo na siyang makasama at makausap parati. (that’s BULLSHIT but I feel that way). Sabi nga nila, meron talagang darating na tao na iba ang magiging “tama” sa’yo at feeling ko dumating na ‘ung akin. Walang ibang way kung hinde iparamdam mo agad sa kanya na manliligaw ka kasi hinde mo naman pwedeng kaibiganin lang kasi hinde naman kayo ganung magkakilala e. (Ang labo ko na.) So ano, itutuloy ko ba ito or ititigil ko na? Feeling ko talaga ay dapat huwag na lang. Sabihin n’yo ng duwag ako. Bakit kayo ba, gusto niyong nasasaktan? Gusto niyong nadidisappoint? I’m a quitter. Pero why not give it a shot. One shot. I have nothing to lose because she already had me at hello.

     Tama na ang drama, mabalik tayo sa lasingan. Parang kanina lang. Kung naglasing ako kagabi hanggang sa madaling araw, siguradong hinde ako magigising ng maaga kasi sisiguraduhing kong tatamaan ako para makalimot. Sisiguraduhin kong wala akong mararamdaman kasi sobrang daming gumugulo sa isip ko (pero sa totoo lang naman eh, isang tao lang). Buti na lang talaga, nagkwentuhan na lang kami ng barkada ko, dinaan sa usapan at yosi hanggang makatulog na sila isa-isa. Tang-ina naman nila, akalain n’yo ba naman na tulugan ako. Bigla na lang nagsipag-hilik habang nagkwekwento ako. Oh well, pagod na din naman kasi kaming lahat. Uminom din ng konti. Talagang hinde lang ako makatulog dahil meron ngang gumugulo sa isip ko. At alas tres na din naman kasi ng madaling araw. So ayun, nakatulog na din ako, siguro dahil wala naman na akong kausap at tinamaan na din sa wakas ng antok. Mga bandang alas singko ng madaling araw ay nagising na ako. Kinuha ang tuwalya bago lumabas ng cottege kasi SOBRANG lamig. Ang lakas ng hangin sa baybay dagat. Sarap sa pakiramdam, at least alam mong meron kapang pakiramdam kasi nararamdaman mo pa ‘ung lamig ng simoy ng hangin. Naupo ako sa tabing dagat. Tiningnan ang ibang cotteges - walang mga tao sa labas, lahat lasing at natutulog pa. Meron tatlong taong naglalakad papunta sa cottege nila, tinitigan ko. Naaninawan ko na siya yung isa sa tatlong naglalakad. Natuwa naman ako kasi at least she is the first person that I see. Edi ayun. Ayun. Hinde ko naman malapitan kasi meron pang kasama at baka din naman matutulog na din. So, naupo na lang ako - pinagmamasdan ang dagat, bundok at kalangitan. Napansin ko na ‘ung dawala niyang kasama ay naglatag ng kutchon sa labas ng cottege para mahiga. So ayun, wala pa din akong pakialam. Pero mamaya, nakita ko na papunta na siya sa baybay dagat at ayun - naupo na din siya mag-isa. So, ito kami. Dalawang taong nakaupo sa baybay dagat sa sunrise, walang kasama. Diba parang pang pelikula lang. Ang problema lang ay hinde naman kami magkasama.

     Hinde ko alam ang susunod kong gagawin. Kasi sinabi ko sa sarili ko bago ako matulog na parang “iiwas” na lang muna ako para masukat ko kung meron bang pag-asa pa sila or kami. Basta parang ganon na din ‘un! So, ito na nga, ayan na sa tabi (medyo malayo pero hinde ganun kalayo) ko ‘ung taong nililigawan (pinupormahan?) ko. Natatakot akong lumapit sa kanya. Pero sabi ko, wala naman mawawala e, edi nilapitan ko na para kausapin. Kinamusta ang araw (outing) at ang inuman sessions nila. Bla… Bla… Bla… Bandang huli, inaya ko siyang maglakad. Tumayo na lang siya, inayos ang damit, pinagpag ang mga buhangin sa binti. At sumama sa akin. FUCK! Walking at the beach with the person you truly want to be with is like Heaven (eventhough hinde pa ako nakakapunta sa langit). Naglalakad kayong dalawa sa tabing dagat. Na kayong DALAWA lang at walang ibang tao sa paligid. Kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Wala na akong pakialam sa ibang bagay ‘nung mga oras na iyon. Kung pwede ko lang patigilin ang oras, GINAWA ko na. Yung naglalakad kayong dalawa at napapatawa mo siya or kahit mapangiti mo na lang. Ang sarap ng feeling. Walang kapantay. At least, alam mong ikaw lang ang tao para sa kanya nung mga oras na iyon. Naglakad pa kami papaakyat naman sa bundok (or parang trek lang). Kung pwede ko lang talagang hawakan ‘ung kamay niya, hinawakan ko na. Meron kaming nakakasalubong na crew ng resort, babatiin kami ng “Good Morning Ma’am at Good Morning Sir, doon po maganda ang view.” Ewan ko lang ha, pero ang sarap sa pakiramdam na parang tingin ng ibang tao na meron kaming relasyon. ‘Ung tipong pwede mo din pala kaming pagkamalan na mag-GF/BF. PWEDE! Hahaha. Ayon, bandang huli, hinatid ko na siya sa mga kaibigan niya para naman makapagpahinga na siya.

 

So, kung naglasing kaya ako magdamag, sa tigin niyo ba magigising ako ng ganung kaaga? Makakasama ko kaya siya? Mararamdaman ko ba ang naramdaman ko? Titigil kaya ang mundo ko? Hinde siguro.